©Novel Buddy
Infinito: Salinlahi-Chapter 44
Chapter 44 - 44
Nagpatuloy ang pagmamakaawa ng mga tao sa harap ng bahay ni Armando, samantala, tahimik namang nakikinig sina Esmeralda at Dodong sa kuwento ng mga magsasaka tungkol sa mga nangyayari sa bayan.
"Ayan na nga, grabe, nakakatakot talaga ang mga gabay. Pero sa tingin ko mas mabuti nga iyan, para naman mabawasan ang angas nila, akala kasi nila, porket mahina, puwede lang nilang pagmalupitan." Saad ni Mateo at nagtanguan naman ang mga magsasaka.
"Tama ka Pre, isa rin kasi 'yang si Aling Sonya sa mga mapangmata rito. Kasi naman, ang asawa daw kuno niya nasa ibang bansa na at mayaman na daw ang pamilya nila, kaya ang tingin sa ating mahihirap, basura." Umiling ang lalaki at saka uminom ng tubig mula sa baso nito. Kasalukuyan silang nagpapahinga matapos ang ilang oras na pagbubungkal ng lupa. Si Esmeralda at Dodong naman ay bininyagan ang mga pananim na kakatanim pa lamang noong isang araw. Tulong-tulong sila sa mga gawain sa bukid at wala naman silang naging problema.
Tuwang-tuwa din naman si Dodong dahil kahit papaano ay may nakakalaro siyang mga bata na anak naman ng mga magsasaka.
"Tingnan mo iyong si Dodong, tuwang-tuwa ah," puna ni Mateo habang nagpapahinga sila.
"Oo nga eh, wala kasing masyadong bata doon sa bundok at abala din siya sa mga gawaing mga matatanda na dapat ang gumagawa. Kaya nga nagdesisyon akong kunin muna siya sa lola niya, dahil iyon din naman ang hiling ng matanda. Nais niyang maiparanas kay Dodong ang buhay ng isang normal na bata," sagot ni Esmeralda at nakisali na rin sa usapan ang mga magsasaka.
Ayon pa sa mga ito, natutuwa sila dahil kahit papaano ay nagagawa nilang maisama ang mga anak nilang walang bantay sa bahay doon sa bukid.
"Ayos lang ho talaga, malawak naman po itong lugar natin at kung pahingahan naman bukas naman ho ang dalawang kubo at bakuran. Mas maigi nga po dahil may nakakalaro si Dodong, mabait na bata iyang kapatid ko at kaya ho niyang pangalagaan ang kaligtasan ng mga anak niyo." Napangiti si Esmeralda habang sinasabi iyon. Nagpasalamat naman ang mga ito.
Saktong patapos na silang magtanghalian nang dumating ang isang tumatakbong bata, humahangos itong huminto sa harap nila at halos habulin nito ang hininga.
"O, Jim, bakit para kang hinahabol ng sampong aso? Ano ba ang nangyari?" tanong ni Mateo sa batang dumating.
"Kuya Mat, nagkakagulo ngayon sa bahay nina Lolo Mando, 'yong anak ni Aling Sonya kinumbulsyon, muntikan na siyang mawala, mabuti na lang at naagapan ni Ka Mael." Balita ng bata.
"Sinusubukan lang sila ng mga gabay, hindi siya kukunin dahil may kasunduan na kami," wika ni Esmeralda.
Updat𝒆d fr𝒐m freewebnσvel.cøm.
"Pero ate, naghuhurumintado si Aling Silma dahil, kasalanan mo daw at kinukumbinsi niya ngayon ang mga tao na may dala ka raw na kamalasan." sagot naman ng bata at napakunot-noo lang ang dalaga.
Dahil sa sinabi nito ay maging si Mateo ay nabahala, kung sakaling magtagumpay si Tiya Silma sa pangungumbinsi sa mga tao. Maaaring tugisin ng mga ito si Esmeralda. Napapailing naman si Esme at saka nagbuga ng malalim na hininga.
"Tara na, mukhang lalaki lang ang gulo kung hindi ako magpapakita roon. Iisipin lang ng tao na ako talaga ang may kasalanan." Tumayo si Esmeralda at saka dinampot ang basket na inihanda niya kanina para sana ibigay sa kaniyang lolo at amang.
Nagpaalam lang sila sa mga magsasaka at saka umalis kasama si Dodong. Nang marating nila bahay ni Armando, agad nilang nakita ang tumpok ng mga tao sa harapan nito. Mukhang doon na ginamot ni Ismael sa bahay nila si Sonya at ang anak nito.
"Makikiraan lang po kami." Untag ni Mateo at doon na nakuha ang atensyon ng mga tao. Agad na dumapo ang mga mata nila kay Esmeralda at Dodong na noo'y tila walang pakialam sa kanila. Dretsong nakatingin lang ang mga mata nila sa kubo, dahil dalawang nilalang ang nakikita nilang nakapulupot roon.
"Nandito sila ate, mukhang ibang pagpaparusa ang ginagawa nila ngayon." Mahinang bulong ni Dodong habang ang mga mata ay nakapagkit sa dambuhalang nilalang na animoy unggoy na nakadapa sa bubong ng kubo. Kulay itim ang mga balahibo nito. Sa unang tingin ay aakalain mong isa itong kapre.
"Nakikita ko nga, tayo na." Aya ni Esmeralda at hinatak na papasok ang bata. Natahimik naman ang mga tao, may iilan na masama ang tingin sa kanila ngunit walang naglakas ng loob na lapitan o sumbatan sila.
Paglapi nila sa kubo, ang boses ni Silma ang agad na umalingawngaw sa paligid na siyang naging dahilan naman ng bulung-bulungan ng mga tao sa paligid nila.
"Nakita niyo na ang ginawa niyo? Dahil sa kamalasang dala niyo, nagkaganito si Sonya at ang anak niya." Matalim na wika ni Silma. Bumaba naman ang tingin ni Esmeralda sa dalawang bultong nakahiga sa dalawang papag na nasa kubo. Nakaupo naman si Ismael na tila ba may hinihintay, hindi ito gumagalaw, bagkus ay kalmado lang itong nakatingin sa dalawa niyang anak-anakan, may maliit na ngiti ang nakapagkit sa mga labi ng ginoo.
"Sigurado ka bang kasalanan ko Tiya? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nagsimula ng gulo. Hindi ba't marapat lamang na bigyan mo ng kaukulang eksplanasyon ang pamilya ni Aling Sonya?"
"Ano'ng pinagsasabi mo, ikaw lang naman ang nagdadala ng malas dito. Simula nang dumating ka nagkanda-leche-leche na ang buhay ng pamilya namin. At hindi ka pa nakuntento, pati ibang tao dinamay mo pa." Sumbat ni Silma.
Napangisi si Esmeralda at napailing.
"Alam kong ikaw ang nagdala at nag-udyok kay Aling Sonya na sugurin ako. Hindi mo sinabi sa kaniya na ang anak niya ang unang nanakit, lahat ng kasalanan, itinambak mo sa amin ni Dodong, sinong ina ang tatahimik kung naaagrabyado ang anak niya? Kaya tiya, walang silbi ang pagmamaang-maangan mo." Kinuha ni Esmeralda ang pagkakatong iyon at naupo sa tabi ni Ismael, hinawakan niya ang kamay ni Sonya at tumingala sa bubong ng kubo.
"Tama na ang pagpapahirap sa kanila, siguro naman ay natuto na sila. Maraming salamat, makakabalik na kayo sa tahanan niyo." Wika ni Esmeralda. Maging si Dodong ay napatango rin habang nakatingala. Nagtataka namang sinundan ng mga tao ang tinitingnan nilang dalawa ngunit nabigo lang sila. Ang tanging nakikita nila ay ang mga kahoy at ang bubong ng kubo na gawa sa nipa.
Mayamaya pa ay namangha naman amg mga tao nang bumangon si Sonya na animo'y kagagaling lang nito sa mahabang pagkakatulog. Tila nalilito pa ito nang makitang napakaraming tao ang nakapaligid sa kaniya.
Nang bumaling naman ang mata ng ginang sa mukha ni Esmeralda ay tila nahimasmasan ito at agad na napaiyak habang humihingi ng tawad sa dalaga. Tila nagising naman ang anak nito dahil sa palahaw niya.
Bumangon rin ang binata at tulad ni Sonya, nagtataka itong napatingin sa paligid niya. Nang makita naman nito ang ina na humihingi ng tawad kay Esmeralda, napayuko ito na tila ba binalot ng hiya.
"Simula nang hingin ko sa mga gabay ang buhay niyo, napatawad ko na kayo. Pero sana, huwag ng maulit ito sa amin o kahit sa kaninong tao na nakakasalamuha niyo. Ngayon, napagbigyan kayo pero hindi niyo alam sa iba, baka makatagpo kayo ng isang nilalang na hindi marunong magpatawad at maging huli na ang lahat." Wika naman ni Esmeralda, habang sinasabi ito ay nakatingin naman ang mata niya sa tiyahin niya.
Umismid si Silma at saka mataray na tumalikod. Padabog na hinawi nito ang mga tao at saka nagmartsa na palayo sa kubo.
Mangha at gilas naman ang naramdaman ng mga taong nakasaksi. Simula rin ng araw na iyon ay wala nang nagtangkang laitin o saktan si Esmeralda at Dodong. Naniniwala kasi sila sa mga nilalang na hindi nakikita at ang nangyari kay Sonya at sa anak nito ay nagsilbing leksyon para sa lahat. Tanging si Silma lamang ang tila hindi kumbinsido sa mga nangyari, at wala pa ring pagbabago sa pakikitungo nito kay Esmeralda at Dodong na pinagkibit-balikat lang naman ng dalawa.
Isang araw habang naglalakad sila galing sa palengke, nakita nila ang anak ni Sonya na tika pinagtutulungan ng iilang kabataan. Tila ito naman ang nakakaranas ng panlalait mula sa mga dating kaibigan nito.
"Duwag ka pala e', dati ang tapang-tapang mo. Ano 'yon palabas lang. Nagpapaniwala ka naman sa mga gano'n. Palabas lang nila iyon para utuin kayo, nagpauto ka naman. Ibang klase ka talaga Luis." Singhal ng isang matabang lalaki at marahas na tinulak ang binatang si Luis. Natumba ito sa lupa at hindi man lang umimik. Dinuraan pa siya ng mga ito at mabuti na lang ay hindi iyon tumama sa kaniya. Kinantyawan pa siya ng mga ito bago tuluyang iniwan.
Lulugo-lugo namang tumayo si Luis at saktong napadaan naman sa harapan niya sina Esmeralda at Dodong.
"Bakit hindi ka lumaban, kaya mo naman sila, 'di ba?" Tanong ni Dodong at pagak na natawa ang lalaki.
"Tingin mo, matapos ng nangyari sa akin, magagawa ko pang makapanakit ng tao? Sa tuwing iisipin kong dadampi ang kamao ko sa iba , naaalala ko ang pinagdaanan ko noong wala akong malay-tao." Sagot naman ng lalaki. Napakalaki ng pingabago nito dahil mas naging kalamado ito. Napangiti naman si Esmeralda at inaya ang binata patungo sa bukid. Napaangat naman ang kilay ni Luis ngunit sumama pa rin siya sa dalawa.