Infinito: Salinlahi-Chapter 51

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 51 - 51

"Siya nga pala ako si Esmeralda at ito naman ang kapatid kong si Dodong. Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Antonio, pero maaari mo rin akong tawaging Anton," sagot nito.

"Bakit ka nga pala nando'n? Hindi ba't sabi niyo bawal ang mga tao ro'n at bakit pala bawal? Pasensiya ka na kung nagiging matanong ako ha, nakakapagtaka naman kasi. Sa mga napuntahan naming lugar na mas liblib pa rito, wala namang pinagbabawal pero dito—" sinadyang putulin ni Esmeralda ang sasabihin at nagkunwaring nagtataka. Nabakas sa mga mata niya ang matinding kuryusidad na nagpangiti naman sa binata.

"Kabisado ko ang lugar, kaya alam ko kung saang lugar ako hindi dapat lalagpas." Tugon naman ng lalaki at napatango lang si Esmeralda bilang pagsang-ayon rito. Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo, wala ni isa ang nagsalita. Patuloy lang silang naglakad hanggang sa matanaw na nilang muli ang mga bahay sa bungad ng bayan. Doon ay nakita nilang lumabas ng bahay si Loisa at napatingin rin ito sa kanila nang may panagungunot sa noo.

Tila naging balisa naman ang mga naroroon na siyang kumumpirma sa suspitsa ni Esmeralda.

"Maraming salama Anton, pasensiya na ulit kung hindi namin namalayan na makarating roon. Mabuti na lang pala nandoon ka. Dito ka rin ba namamalagi, noong unang dating kasi namin rito, hindi kita napansin." matamis ang mga ngiting iginawad ni Esmeralda sa binata. Tila nangislap naman ang mga mata ni Antonio nang makita ang inosenteng tingin ng dalaga sa kaniya.

"Baka nagkataon lang na nangangaso ako sa kabila noon, kaya hindi mo ako nakita, kabababa ko rin lang kasi rito." Sagot naman ng binata at tumango naman si Esmeralda.

"Talaga Kuya Anton, nangangaso ka, ano naman po ang hinuhuli niyo? May mga baboy-ramo rin ba rito?" sabik na tanong ni Dodong.

"Dodong, tama na, huwag mo nang kulitin si Anton, pasensiya ka na dito sa kapatid ko, hindi pa kasi nakakaranas ng ganyang gawain iyan at hindi pa siya nakakakita ng baboy-ramo." Sambit ni Esmeralda at natawa naman ang binata.

"Gano'n ba. Ayos lang iyon. Lahat naman tayo dumaan sa pagkabata, at nauunawaan ko ang kuryusidad ng tulad ni Dodong." saad ni Antonio. Matapos ang maikling pakikipag-usap sa binata ay nagpaalam naman sina Esmeralda at Dodong na babalik na sa tinutuluyan nilang bahay.

Kinahapunan, palihim na pumuslit si Loisa sa loob ng bahay na tinutuluyan nina Esmeralda at Dodong. Doon ay mas nakumpirma pa ni Esmeralda ang tunay na katauhan ng Antonio na lumapit sa kanila kanina.

Updat𝒆d fr𝒐m freewebnσvel.cøm.

"Kung ordinaryong tao lang kami at wala kaming alam sa mga nilalang na tulad nila, ay paniguradong nahulog na rin ako sa mapang-akit na nilalang na iyon. Hindi ko maipagkakailang napakaganda niyang nilalang at marahil dahil iyon sa dugong bangkilan na nananalaytay sa katauhan niya." wika ni Esmeralda.

"Kaya nga nagulat ako, akala ko talaga, napasailalim na kayo sa kapangyarihan niya. Mabuti na lang at malakas ang mentalidad niyong dalawa. Siya nga pala, ngayong nakababa na ang taong iyon dito, kailangan niyong mas mag-ingat pa. Nalalapit na ang kabilugan ng buwan , kaya naman, siguradong kayo na ang susunod na punterya niya bilang kaniyang pagkain."

"Alam namin, mas maghanda ka Loisa, dahil ano mang oras sa linggong ito, kikilos na tayo." saad ni Esmeralda at tahimik na tumango naman si Loisa. Nang gabing iyon ay muli silang nakipaglaban sa mga aswang nang palihim. Humigit kumulang nasa pitong aswang rin ang kanilang nabawas nang mga oras na iyon. Nang muling mawala ang ingay sa paligid ay doon na rin naghiwalay ng landas sina Esmeralda at Loisa.

"Ate, mukhang marami na tayong nababawas sa mga aswang na malapit rito, kamusta kaya doon sa kinaroroonan nina Kuya Mateo?"

"Siguradong maayos ang lakad nila, huwag kang mag-alala. Ituon na lang natin ang ating atensyon sa misyon dito." saad ni Esmeralda habang isinasara na ang maliit na siwang sa tabi ng bintana. "Siya nga pala Dong, sa huling araw bago ang laban natin, kaya mo bang pumunta sa kabilang ibayo?"

"Kabilang ibayo? Ibig mong sabihin sa mundo nila?" gulat na tanong ni Dodong.

"Oo, pakiramdam ko kasi, hindi sasapat ang dala nating akonito sa hanagob. Hindi ba't nakakausap mo sila, magtanong ka kung may halaman o kahit anong bagay ang makakatulong sa atin na pahinain ang kalaban."

Saglit na napaisip si Dodong bago sumilay ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi.

"Sige Ate, tamang-tama, mukhang magigising na rin si Amad, siguradong maraming alam ang isang iyon." Sagot ni Dodongh at tumango naman si Esmeralda. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na tanungin kung sino ang Amad na tinutukoy nito. Isa lang ang alam niyang sigurado, isang engkanto ang binabanggit nito.

"Mabuti, sige na , magpahinga na tayo. Bukas ganoon ulit ang gagawin natin, mas maigi kung makikipaglapit tayo kunwari sa mga tao rito. Siguradong muling magpapakita si Antonio bukas."

"Sige po ate."

Kinabukasan, tulad nang napag-usapan nanatili sa bakuran sina Dodong at Esmeralda. Kausap nila ang mga taong naroroon at kahit naasiwa ay sumasagot naman ang mga ito sa kanila. Hanggang sa dumating na nga si Antonio. Tila masama ang timpla ng mukha nito nang dumating na agad naman napansin ng dalaga.

"Magandang umaga, Anton, bakit tila napakalaki naman yata ng problema mo? Ang lalim ng pagkakakunot ng noo mo eh, may nangyari ba?" puna ni Esmeralda. Tila napawi naman ang kunot ng noo ng lalaki at sumilay ang ngiti sa mga labi ng binata.

"Magandang umaga, wala naman masyado, ang mga alaga ko kasi, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila, bakit hindi na sila nakakabalik pa. Dalawang araw ko na rin napapansin ang hindi nila pagbalik." simpleng tugon ng binata. Itinago ni Esme ang pagkakangisi habang nakayuko bago muling hinarap ang kausap. Pagharap ay sumilay ang nag-aalalang mga mata ni Esmeralda sa sinabi ng binata.

"Mga alaga mo, nawawala? Ano ba ang mga alaga mo?" nagtatakang tanong ni Esmeralda, gayong alam niyang ang mga aswang ang tinutukoy nito.

"Ah, mga baka. Marami akong baka, at ngayon kumakaunti na sila dahil sa hindi ko malamang dahilan," sagot ng binata.

"Paano nawawala? Hindi ba't malalaki naman ang mga baka, paanong nakukuha sila nang hindi mo napapansin? Kawawa ka naman pala, sayang din ang mga bakang iyon, hindi ba't mahal ang bilihan ngayon ng karne ng baka?"

"Kaya nga eh, kaya, nag-iikot-ikot rin ako, nagbabakasakali na makita ko sila o kahit ang mga katawan lang nila." wika ng lalaki. Tinapik naman ni Esmeralda ang balikat nito, bilang pagdamay sa kinahaharap nito.

"Hayaan mo, makakarma rin ang mga taong kumuha ng mga baka mo. Siya nga pala, hindi ba't kabisado mo naman ang buong bayan ng Pahunay, bakit hindi mo kami ipasyal. Nalalapit na rin kasi kaming umalis kaya, susulitin na namin ang ilan pang araw ng pananarili namin sa bayan niyo. Nakakalungkot naman kasi kung hindi namin malilibot ang maganda niyong bayan."

Lumapad naman nag ngiti ni Antonio sa tinuran ni Esmeralda. Kumislap ang mapupungay nitong mata na tila nasisiyahan ito sa kagustuhan ni Esmeralda na libutin ang bayan kasama siya.

"Ate, puwede bang dito na lang muna ako, kayo na lang ni Kuya Anton ang maglibot, hihintayin na lang kita rito." Wika naman ni Dodong na lalo pang nagpalapad sa ngiti ni Antonio.

"Sigurado ka bang hindi ka sasama?" Tanong ng binata.

Umiling si Dodong at tinuro si Loisa.

"Magpapasama na lang ako kay Ate Loisa. Magpapaturo akong manguha ng isda doon sa punong." Tugon ni Dodong.

"O siya, sige. Tara na ba Esme?" Ani ni Antonio at inaya ng umalis ang dalaga. Nilingon naman ni Esmeralda si Dodong at bilang isang ate, nagbilin itong huwag maglilikot at maging makulit kay Loisa. Matapos ang ilang paalala ay umalis na ang dalaga at si Antonio.

Pinasok nila ang gubat at manghang-mangha naman si Esmeralda sa nakikita. Napakagandang lugar kasi ang pinagdalhan sa kaniya ni Antonio. Isang ilong iyon at rinig na rinig niya ang malakas na agos ng tubig. Ilang minuto pa silang naglakad hanggang sa narating nila ang isang mataas na talon. Malinis ng tubig at malamig rin ang simoy ng hanging pumapalibot roon. Hindi naman masukat ni Esmeralda kung gaano kataas ang talong iton, ang alam niya lang ay napakataas nito na halos hindi niya maaninag ang tuktok dahil sa liwanag ng araw. Napapalibutan rin ito ng puno ang maging ang bawat gilid nito ay may mga halamanang noon lamang niya nakita.

Bagama't namamangha ang una at nakapaskil na reaksiyon sa kaniyang magandang mukha, sa loob-loob niya ay alam niyang panlilinlang lamang ito ng nilalang na kasama niya.

"Grabe, hindi ko alam na may ganito kagandang lugar, nakakalula ang talon at napakasariwa ng hangin, napakalamig pa, hindi tulad sa lungsod na pinagmulan namin." Manghang-manghang wika ni Esmeralda. Agad suyang tumakbo patungo sa tubig at nagtampisaw roon.

Ngunit nang dumampi ang balat niya sa tubig at agad na nagbago ito sa kaniyang paningin. Bumungad aa kaniyang mga mata ang isang nakakabahala at nakakagimbal na tanawin. Nakaririmarim ang kaniyang nasasaksihan ngunit nanatiling nakangiti at puno ng pagkamangha ang kaniyang mukha. Umikot-ikot pa siya sa tubig at kitang-kita niya ang mga katawan ng taong wala nang buhay sa ilalim nito.

Kulay pula na rin ang tubig habang ang mga puno sa paligid ay tila natuyo na. Marahil ay dahil sa naging tambakan ng mga katawan ng kinawawang tao ang ilog na iyon.