©Novel Buddy
Infinito: Salinlahi-Chapter 60
Chapter 60 - 60
The source of this c𝐨ntent is freeweɓnovēl.coɱ.
Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na ngang naging komportable sa Bayan ng Luntian ang grupo nina Loisa. Naging katulong rin sila ni Mateo sa pag-aasikaso ng bukirin kaya naman mas napagaan pa ang kanilang trabaho. Naging malapit na rin ang mga ito sa mga taong nagtatrabaho roon kaya naman naging masaya si Esmeralda sa resulta.
"Ate, sabi ni tatay malapit na raw ang kaarawan mo, at sabi niya, pupunta raw tayo sa bayan para mamili ng mga sangkap para sa lulutuin natin sa araw na iyon. Kailan ba ang kaarawan mo?"
"Talaga?"
"Opo ate, sabi ni tatay mamayang hapon raw, pupunta raw siya rito, nagpagpasiyahan kasi nila na dito na lang daw sa halip na doon sa bahay." wika ni Dodong habang itinatali ang mga sitaw na naani nito sa kanilang taniman.
Natahimik naman si Esmeralda at napatingala sa kulay asul na kalangitan. Matapos ang kanilang tanghalian nang araw na iyon ay nagdesisyon silang tumambay muna sa ilalim ng puno ng mangga. Malamig ang simoy ng hangin sa parteng iyon sa kabila ng mainit na panahon.
Nakasandal lang si Esmeralda habang nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Tila nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagramdam niya ng kakaiba sa paligid at sa kaniyang sarili.
"Ate, bakit parang bigla ka naman yatang naging sobrang tahimik diyan?" Puna ni Dodong. Nakatitig lang sa kaniya ang bata habang nakatunghay ito sa kaniyang kinauupuan.
Bahagyang nangiti ang dalaga at napakamot.
"Wala naman, iniisip ko lang kung ano ba ang magandang bilihin natin mamaya. May pera naman tayo, iniisip kong bilhan ka ng bago mong damit at tsinelas." Saad ni Esmeralda.
Lumapad ang ngiti sa labi ni Dodong at halos mapatalon pa ito sa tuwa.
"Talaga ate, sige, gusto ko 'yan."
" O siya sige, basta ikaw ang mamimili ha. Sa damit naman, kailangan iyong kasya sa iyo."
Mag-a- alas dos ng hapon nang dumating sa bukid si Ismael. Bitbit nito ang isang malaking bayong na walang laman. Marahil ay doon nito isisilid ang mabibili nila mamaya.
"Amang, narito na pala kayo."
"Handa na ba kayo? Nasaan na si Mateo?" Tanong agad nito.
"Nasa kubo po niya, nagpapahinga. Isasama rin po ba natin si Mateo?"
"Aba oo, para may makatulong naman sa atin sa pagbubuhat mamaya." Tugon ni Ismael at agad namang tumayo si Dodong sa kinauupuan nito ay nagpresenta nang tawagin si Mateo.
Matapos matawag ang binata at agad na rin silang umalis. Sa palengke naman, halos lahat ng madadaanan nila ay binabati sila. Partikular kay Ismael na naging takbuhan na rin ng mga nangangailangan.
"Ang dami naman nito amang, pakakainin niyo ba ang buong baryo?" Biro ni Esmeralda at natawa naman si Ismael.
"Aba oo, sakto rin kasi na ikapitong taon na matapos ng huling handa natin para sa pagbibigay pasalamat sa anihan."
"Ah, kaya pala doon sa bukid niyo naisipan. Pero ayos na rin po amang , magiging tahimik dahil, maraming tao. Hindi makakapanggulo si Tiya Silma." Saad ni Esmeralda na ikinatawa naman ni Ismael.
Tumango-tango pa ito habang tinatapik ang balikat ng dalaga. .
"Parehong-pareho talaga kayo ng iniisip ng lolo mo." Tatawa-tawang wika ni Ismael.
Magdadapit-hapon na rin ng marating nila ang kubo. Agad nilang inimbak ang kanilnag mga pinamili. May mga dumating rin na iilang kalalakihan na may bitbit na buhay na baboy.
"Ka Mael, narito na po ang pinabili niyong baboy. Kailan ho ba natin iihawin ito?" Tanong ng isa sa mga lalaki.
"Sa susunod na araw na, itali na lamang muna ninyo ang mga iyansa bakuran."
"Sige ho Ka Mael, aba'y mukhang magiging mas magarbo ang handaan natin ngayon. Itataon pa sa kaarawam ni Esmeralda. Siguradong magiging masaya na naman ang ating baryo niyan. Tinalo pa ang piyesta ng bayan ng Luntian." Saad pa ng isang lalaki at nagtawanan pa ang mga ito.
Kinabukasan nga ay naging abala ang mga magsasaka sa pagtatayo ng malaking tolda sa bukid. Habang ang mga kababaihan naman ay siyang tumutulong kina Loisa sa pag-aani ng mga gulay na maari nilang gamitin sa kanilang mga lulutuin.
Tulong-tulong ang mga ito at tila nagkaroon nga ng piyesta sa kanilang maliit na nayon.
"Ang gaganda ng ani ng mga gulay, ang laking tipid talaga kapag may mga pananim ka." Wika ni Laura.
"Tama ka lola, grabeng biyaya ang natatanggap ng lupa ni Lolo Armando. Hitik ang lahat sa bunga at sagana palagi ang ani nila. " Sang-ayon naman ni Laura.
"Dahil maruning silang magbigay. Kita mo naman,hindi sila madamot. Mahal sila ng buong baryo. Masdan mo at kusang loob na tumutulong ang lahat. Napakapayapa ng ganitong buhay. Walang inggitan, puro lang pagbibigayan." Saad naman ni Lolo Goryo na siyang nagbubungkal naman ng mga kamote.
"Hindi lang po iyon,may basbas ang lupa na ito galing sa mga tagapagbantay ng kalikasan. Kaya kahit anong mangyari, ang lupa rito sa bukid ni Lolo Mando ay laging magiging sagana." Pambibida naman ni Dodong.
"Basbas? Ibig sabihin may mga naninirahang iba rito sa lupa nina Lolo Armando?" Tanong ni Loisa, bakas sa mukha ng dalaga ang gulat at pagkamangha.
"Opo ate, doon sila sa puno ng mangga sa bakuran ni Ate Esmeralda. Pagdating ko rito, grabe, ang lakas agad ng presensiya na naramdaman ko. Pansin niyo naman, napakalago at napakaganda ng punong iyon, kumpara mo sa ibang mga puno na naririto." Turan pa ni Dodong.
"Hindi na nakapagtataka iyon. Lapitin talaga ng mga mabubuting nilalang ang mga mabubuting tao." Wika ni Lolo Goryo na sinang-ayunan naman nila.
Samantala, habang abala naman sina Dodong sa pag-aani, nasa bakuran naman si Esmeralda at inaayos ang maliit na magiging hapag para sa mga pagkaing iaalay naman nila sa mga kaibigan nila.
Habang abala siya ay panaka-naka naman niyang nakikita ang mga laman-lupa na tila abala rin sa mga ginagawa ng mga ito. Hindi na iyon pinagtuunan ng pansin ni Esmeralda dahil mas inuna na lamang niyang ayusin ang dapat.
Hapon nang maisaayos niya ang lamesa, napapalaplmutian ito ng mga nakapasong halamang namumulaklak at mga bulaklak na binili nila kanina sa palengke na nakalagay sa malalaking plorera.
"Ate, sabi ni tatay Ismael kung tapos ka na raw, sabay-sabay na tayong maghapunan. Maaga raw tayong magpapahinga ngayon dahil maaga pa tayo kikilos bukas." Bungad ni Dodong.
"Sige Dong, susunod na ako. Mauna ka na." Wika niya. Naulinigan pa niyang naglakad na palayo ang bata. Pinasadahan naman niya ng tingin ang kaniyang ginawa at napatango-tango bago ito nilisan.
Matapos ng kanilang hapunan ay maaga pa sioang nagpahinga. Nagsiuwian na rin ang mga magsasaka at nangakong babalik na lamang pagsapit ng alas tres ng madaling araw.
Habang nasa kalaliman ng pahinga sina Esmeralda, isang pagtawag naman ang kaniyang narinig. Hindi pamilyar ang boses na iyon, ngunit batid niyang isang bata iyon. Bumangon si Esmeralda sa papag na kinahihigaan niya at tinungo ang kaniyang bintana. Binuksan niya ito at bumungad sa kaniya ang isang nakangiting batang babae.
Nangunot ang noo niya kung bakit ito naroroon ng ganoong oras hanggang sa makita niya ang maliit na puting laman-lupa na nasa balikat nito.
"Karen, bakit ka naririto?" Tanong ni Esmeralda. Dali-daling lumabas ang dalaga sa kubo at pinuntahan ang bata sa labas.
"Bakit ka nandito, ikaw lang ba, hindi mo kasama ang lolo at lola mo?"
"Hindi po ate, babatiin lang po kita ng maligayang kaarawan, at saka may sasabihin lang akong mahalaga." Wika ni Karen. Napatitig naman sa kaniya ang dalaga at doon lang niya napansin ang pagbabago rito. Tumangkad si Karen at ang noo'y maputlang balat nito ay magkaroon na ng magandang kulay. Bagaman naroroon pa rin ang kapansanan ng bata ay nakakamanghang mas lalo itong gumanda sa paningin ni Esmeralda. May kakaibang kinang sa mga mata nito maging ang ngiti nito ay nakakamangha. Iyong tipong sa pagngiti pa lamang niya ay mahuhulog ka na.
"Ate, may panganib na nagbabanta, may mga magbabalik, ilan sa kanila ang magiging kasagutan sa lahat ng iyong katanungan at ang Ilan naman ay maghahatid ng panganib sa iyong tahimik na buhay." Salaysay ni Karen. Nakita naman ni Esmeralda ang pagtango ng nilalang na nasa balikat nito, hudyat na totoo ang sinasabi ng bata.
Hindi nagsasalita ang nilalang na iyon at tila sa isip lamang ito ni Karen nangungusap.
"Gano'n ba, maraming salamat Karen. Huwag kang mag-alala, lagi kaming nakahanda sa ano mang panganib na nasa paligid."
Ngumiti si Karen at tumango. Marahang hinawakan ang kamay ni Esmeralda at bahagya itong pinisil.
"Hindi mo kailangan magpasalamat ate, ako ang dapat magpasalamat. Dahil sa ginawa ninyo, mas naintindihan ako ni lolo at lola. Hindi na rin sila gaanong nag-aalala dahil alam nilang may mga kasama ako. Masaya na ako ngayon kasama sila, at hiling ko rin ang kasiyahan mo ate." Makahulugang wika ni Karen.
Saglit pa silang nagkamustahan hanggang sa ito na rin mismo amg nagpaalam sa kaniya. Isang lagusan ang tila nabuksan sa harapan nila. Doon lang napagtanto ni Esmeralda kung paano ito nakarating sa harap ng kaniyang kubo. Napangiti na lamang si Esmeralda at saka bumalik sa sa kinahihigaan niyang papag.