©Novel Buddy
Infinito: Salinlahi-Chapter 41
Chapter 41 - 41
"Hayaan niyong makabawi ako, ako na ang gagawa, buksan n'yo na lang ang sisidlan at ako na ang magkukulong sa kaniya," malamyos ang boses na wika ni Liyab. Agad namang tumalima si Dodong at kinuha ang sisidlang ibinigay sa kaniya ng lola niya at binuksan iyon.
Napangiti naman si Liyab at agad na ikinumpas ang kamay sa ere, na tila may kung anong simbolo na isinusulat. Pagkuwa'y itinuro ni Liyab ang nilalang, jasabay nito ang pag-ihip ng malakas at napakalamig na hangin. Ilang sandali pa ay nakita ni Esmeralda ang pag-angat ng katawa ng nilalang hanggang sa binalot ito ng nakakasilaw na liwanag bago ito tuluyang hinigop ng sisidlan.
Nang matapos naman nito ay nilapitan ni Liyab ang lupang minsang naging tirahan nila. Napailing pa siya dahil sa pagkasira nito, yumukod ito at dinampot ang isang dakot ng itim na lupang nabalot ng lason ng laway ng Markupo.
Nakita ni Esmeralda ang pagbulong ni Liyab sa lupang nasa kamay niya bago ito inihipan.
Ganoon na lamang ang pagkamangha ni Esmeralda at Dodong nanganumbalik ang dating natural na kulay ng lupa. Dahan-dahan ito kaya naman kitang-kita nila ang pagbabalik ng kulay sa buong lugar. Muling umusbong ang halaman at damo sa paligid. Ang dating mga nalanta na kahot ay muling nagkaroon ng buhay. Nagsibalikan na rin ang mga hayop na kalimitang naliligaw sa bakuran nila, hudyat na bumalik na nang tuluyan ang buhay sa bakuran nina Esmeralda.
"Grabe, ate. Gano'n lang 'yon? Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalakas na gabay. Anong klase ba ang gabay mo ate?" Tanong ni Dodong habang patuloy nilang pinagmamasdan ang ginagawa ni Liyab.
"Isa siyang mahomanay, Dodong. Ang sabi niya sa akin, isa siyang engkanto na nangangalaga ng mga hayop sa kagubatan."
"Talaga, narinig ko na ang tungkol sa kanila kay lola, natural silang matulungin lalo na sa mga mangangaso na marunong rumespeto ng kalikasan. At mababait sila sa mga taong may mabuting puso para sa mga hayop. Kahit anong hayop pa iyan. Ganito pala ang wangis ng isang mahomanay." Manghang wika ni Dodong.
"Oo, noong una hindi ko rin alam na isa siyang engkanto. Ang sabi sa akin ni amang, bata pa lamang ako, nasa tabi ko na ang isang uwak. Hanggang sa lumaki ako, kasama ko ang isang uwak at isang araw, nagpakita siya sa akin bilang isang engkanto at sinabi niya sa akin na siya ang aking gabay at isa siyang mahomanay. " Saad naman ni Esmeralda.
"Napakahigawa tala ng mga gabay, ano ate? Sana paglaki ko, magkaroon din ako ng gabay na katulad ng gabay mo." Sambit pa ni Dodong.
Matapos maisagawa ni Liyab ang mga kailangan niyang gawin, ay binuhat na nito ang sisidlan at magkakasama na silang bumalik sa tribo nina Dodong.
Hapon na nang makabalik sila at ilang oras din ang ginugol ng dalawa para pahinain ang nilalang na iyon. Pagdating ay nakahanda na ang isahg piging para sa kanila. Nakita pa nila ang mga nakangiting ka tribo na sumalubong sa kanila at iginaya sila sa isang mahabang mesa.
Agad namang kumulo ang tiyan ni Dodong nang makita ang handa sa mesa. Matapos makapag-alay ng dasal ay agad na nilantakan ni Dodong at Esmeralda ang mga pagkaing nakahanda para sa kanila. Habang natatawang inilapag naman ni Liyab ang sisidlan sa harap ni Apo Salya.
Tila nakakaunawang yumukod naman ang matanda sa harap ni Liyab.
"Pagpasensiyahan mo na ang mga bata, marahil sadyang gutom lang sila kaya nawala sa isip nila ang misyon nila." Wika ng matanda at nakangiting tumango naman si Liyab.
"Walang anoman iyon, maraming salamat sa ginawa niyong pagprotekta sa kagubatang ito. Kasalanan din naman namin dahil pinabayaan naming walang bantay ang lugar kaya nagawa iting tirahan ng markupo. Nahirapan pa tuloy kayong hulihin ito. " Saad ni Liyab at napailing naman si Apo Salya. Halos hindi rin siya makatingin kay Liyab na tila ba isang mataas na uri ito at hamak na alipin lamang siya para magkaroon ng karapatan makipagtitigan sa kaharap.
"Kuya Liyab, kain ka na din dito, sabayan mo kami ni Ate Esmeralda!" Alok ni Dodong.
"Sige, papunta na ako." Sagot naman ni Liyab, saglit niyang tinapunan ng makahulugang tingin si Apo Salya bago lumapit sa dalawa. Umupo na si Liyab sa tabi ni Esmeralda at napatingin na lamang ang matanda sa mga ito habang napapailing.
"Hatak talaga ng kalikasan, Diyos na makapangyarihan, kayo na ho ang bahala sa mga batang ito." Naiusal ni Apo Salya habang nakatingin sa tatlo.
Dahil sa muling panunumbalik mg sigla ng kagubatan ay nagpasiya na rin bumaba ni Esmeralda matapos ang halos isang linggong pananatili roon. Isang kapre rin ang inatasan ni Liyab na siyang magigibg bantay ng kagubatan. Bukod pa roon, ilan sa mga laman-lupa ang pinabalik niya sa bakuran ng kubo nina Esmeralda. Doon na rin tumuloy si Apo Salya sa kubo nina Esmeralda para hindi na muling pamahayan ng kung anong nilalang ang gubat na iyon.
"Lola, kapag kailangan po ninyo ng tulong, sabihin niyo lang po sa kapreng naninirahan dito sa puno, siya ang magdadala ng mensahe sa amin doon sa baba."
"Maraming salamat hija. Huwag kang mag-alala, malakas pa ako at may mga makakatulong din naman ako rito. Pero kung saka-sakaling kakailanganin ko ang tulong mo, asahan mong ipapatawag kita agad." Sagot ni ng Apo bago binalingan si Dodong na noo'y malawak ang pagkakangisi. "Dodong, huwag kang pasaway sa ate mo, hinayaan kotang sumama sa kaniya dahil marami ka pang matututunan kasama siya."
"Oo naman lola, kailan ba ako naging pasaway? Tsaka, magiging malaking tulong din naman po ako doon." Tila sabik na wika ng bata.
Read 𝓁atest chapters at fгeewёbnoѵel.cσm Only.
Naiiling habang natatawa si Apo Salya dahil alam niyang makulit na bata si Dodong kapag wala ito sa seryosong sitwasyon.
"Esme, ikaw na sana ang bahalang dumisiplina sa batang ito. Huwag kang mangingiming paluin 'yan sa puwet kapag may ginawang kabulastugan."
"Hala, si lola talaga. Napakabait kong bata para lamg mapalo sa puwet." reklamo pa ni Dodong at nagtawanan naman sina Esmeralda at ang matanda.
Nang araw na iyon, magkasamang bumaba ng gubat si Dodong at Esmeralda mula sa gubat. Nang marating nila ang paanan, muli na naman nilang nakita ang matandang namumundok para manguha ng mga kahoy panggatong.
"Hija, mukhang nagtagumpay ka sa lakad mo. Mabuti naman at nakababa ka na." Puna ng matanda. Napangiti naman si Esmeralda at lumapit sa matanda.
"Lolo, kayo ho pala, opo, kaya ligtas na po ulit na umakyat sa gubat." Tugon ni Esmeralda at tumango naman ito.
"Naramdaman ko ring nawala na ang makapal na hamog na bumabalot sa gitna, naging magaan na rin ang pakiramdam kapag umaapak ako sa paanan. Sino naman itong batang ito?" Tanong ng matanda.
"Ah, si Dodong po ito lolo, kabilang po siya sa isang tribo na naninirahan sa pusod ng gubat. Sa ngayon po sila po ang magiging tagapagbantay ng gubat, pakisabihan na lamang po ang mga kalalakihan sa baryo niyo na kapag aakyat, magbigay galang na lang po sila lalo sa mga matatanda." Payo pa ni Esmeralda.
"Sige, hija. Makakaasa ka."
"Lolo, pauwi na rin ba kayo? Tulungan na po kita sa bitbit mo." Presenta ni Dodong. Mabilis itong kumilos at siya na rin ang nagtali ng mga kahoy bago ito isinukbit sa likuran niya.
Natuwa naman ang matanda at sabay na nga silang lumabas ng gubat. Hapon na rin nang marating nila ang maliit na kubo ng matanda na nakatirik sa isang bakanteng lote sa tabi ng isang palayan. Nasa labas lamang iyon ng bayan ng Luntian.
"Dito na lang ako mga bata, mag-iingat kayo. Ikamusta mo na lang ako sa Lolo Mando mo." Nakangiting wika nito. Napatulala naman si Esmeralda nang marinig ang tinuran nito.
"Sabihin mo, kinumusta siya kako ni Mencio." Natatawa pang wika nito.
"Sige po, ipapaabot ko ho." Napangiti na lang si Esmerlada. Matapos mailapag ni Dodong ang mga kahoy nito ay nagpaalam na rin sila sa matanda.
Halos magtatakipsilim na rin nang marating nila ang kubo sa bukid. Nagulat pa si Mateo nang makita ang dalaga na paparating.
"Esme, mabuti naman at nakabalik ka na. Kumusta ang lakad mo? Sino naman itong kasama mo?" Tanong ni Mateo nang makalapit na sa kaniya ang dalaga.
"Maayos ang naging lakad ko, tapoa na rin ang problema sa itaas. Siya nga pala si Dodong, apo siya ng isang babaylan na ngayong naninirahan sa kubo namin ni amang. Pansamantalag dito muna siya."
"Kayo po ba si Kuya Mateo? Ako po si Dodong, mabait po akong bata at masipag rin, kung kailangan niyo mg tulong, huwag ka pong mag-aalangang sabihan ako." Nakangiting wika ni Dodong na ikinatawa naman ng binata. Marahang ginulo ni Mateo ang buhok nito at saka niya inalok ang mga ito na pumasok muna sa kubo niya para maghapunan.
"Wala bang nangyari dito habang wala ako Mateo?" Tanong ni Esmeralda habang kumakain sila.
"Bukod sa araw-araw na pagtatalak ni aling Silma, wala naman. Payapa naman ang Luntian simula nang bumaba na kayo rito ni Tiyo Ismael. Pati mga mangkukulam nga tumahimik na, alam kasi nila na matutunton sila ni Tiyo kaya takot na sila. Kung may nangangahas man, mga taga-ibang baryo na hindi kilala si Tiyo."
"Wala namang bago sa bunganga ni Tiya, hayaan mo siya, nasanay na rin naman ako. Siya nga pala Dong, bukas ipapakilala kita kay amang at Lolo Mando. Ihanda mo na lang ang tainga mo dahil siguradong marami tayong maririnig kay Tiya Silma. Huwag mo na lang pansinin iyon."
"Huwag kang mag-alala sa akin ate. Hindi naman ako maramdamin, basta ba hindi ako nasasaktan ng pisikalan." Tatawa-tawang wika pa ni Dodong.
Nang gabing iyon, payapang natulog si Esmeralda at Dodong sa kubo ng dalaga.